BPATs, nagsagawa ng patrolya para sa seguridad at kaayusan sa Amduntog

Nagsagawa ng partolya ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Proper Amduntog, Asipulo, Ifugao nito lamang gabi ng Mayo 16, 2025.

Ang pag-ronda ng mga BPATs ay isang regular na aktibidad bilang suporta sa mga otoridad sa pagpapatupad ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa komunidad.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng mga residente na maayos at mapayapa ang kanilang lugar tulong ng mga BPATs na nagsagawa ng pagbabantay at pag-iikot sa lugar.

Pinuri naman ng Asipulo Municipal Police Station ang walang humpay na dedikasyon at suporta ng mga miyembro ng BPATs, na malasakit at pagkakaisa sa komunidad.

Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang naglalayong tugunan ang mga isyu ng seguridad, kundi pati na rin ang pagbibigay inspirasyon sa komunidad na makilahok sa mga aktibidad na nagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *