BPATs, nakilahok sa pagpupulong tungkol sa Public Consultation and Workshop Planning

Nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) sa pagpupulong tungkol sa Public Consultation and Workshop Planning na ginanap sa Provincial Engineering Office, Wangal, La Trinidad, Benguet noong ika- 16 ng Mayo 2025.

Ang workshop ay pinangunahan ni G. Julius Kollin, PENRO-LGU Benguet at dinaluhan ng mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) mula sa iba’t ibang provincial offices, Local Government Unit (LGU) ng Benguet at mga tauhan ng La Trinidad Municiapl Police Station.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang pagpaplano ng mga aksyon at mga updates tungkol sa pagpapagawa ng Children’s Park at Walk Through sa nasabing lugar.

Samantala, ang mga miyembro ng BPATs ay patuloy na makiisa sa mga programa o aktibidad na isinusulong ng lokal na gobyerno ng Benguet at patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo at susuportahan ang mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *