Operation tuli, handog ng Jr Borja General Hospital at Brigada News FM

0
3819fc41-4074-428a-a1ac-8fcf2f4ab162

Handog ng Jr Borja General Hospital at Brigada News FM sa mga kabataan ang operation tuli sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-17 ng Mayo, 2025.

Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan din ng Northern Mindanao Medical Center, City Health Office, City Health Insurance Office at Brgy. Health Workers.

Mahigit 100 kabataan ang naging benepisyaryo sa nasabing libreng tuli. Layunin ng nasabing aktibidad na makapagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga kabataang lalaki, lalong lalo na sa mga hindi kayang tustusan ang gastos sa pribadong klinika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *