Clean-up Drive, isinagawa matapos ang Frolic Festival 2025
Matapos ang makulay at matagumpay na selebrasyon ng Frolic Festival 2025, agad namang nagsagawa ng clean-up drive ang Lokal na Pamahalaan ng Opol noong Mayo 25, 2025 upang tiyaking malinis at maayos ang bayan pagkatapos ng pagdiriwang.
Pinangunahan ng LGU Opol sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jayfrancis D. bago, ang aktibidad na nilahukan ng mga kawani ng LGU, mga volunteer na estudyante mula sa Opol Community College (OCC), at mga kasapi ng Opol Adopt Estero Stakeholders.
Nakalikom ang grupo ng humigit-kumulang 30 sako ng basura na binubuo ng mga plastik na bote, styrofoam food containers, basyo ng inumin, at iba pang kalat na naiwang hindi naitapon nang maayos.
Ang pagkilos na ito ay hindi lamang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan kundi pati na rin ng tunay na Opol pride, ang pagkakaisa ng komunidad para sa kaayusan at kalinisan ng bayan. Ang matagumpay na pagsasagawa ng clean-up drive ay patunay ng patuloy na pakikiisa ng mamamayan tungo sa isang malinis, maayos, at maunlad na Opol.