Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Sarangani

Matagumpay na isinagawa ang coastal clean-up drive sa Barangay Kablacan, Maasim, Sarangani Province nito lamang Mayo 24,2025.

Ang aktibidad ay bahagi ng “Ridge To Reef” program bilang paggunita sa Buwan ng Karagatan ngayong Mayo, na inilunsad ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Maasim sa pangunguna ni Gng. Alejandra G. Sison, LPT, MPA.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng piling mga kawani mula sa AKCC na pinamunuan ng kanilang Pollution Control Officer katuwang ang Philippine National Police, stakeholders , brgy. officials at iba pa.
Lubos ang pasasalamat ng AKCC sa MENRO-Maasim sa pagkakataong makibahagi sa programang ito.

Isa itong malinaw na hakbang sa pagpapaigting ng pakikiisa ng pribadong sektor sa mga inisyatibong pangkapaligiran ng pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na ito upang linisin ang baybaying-dagat ng Barangay Kablacan at mabawasan ang polusyon sa karagatan. Hangad din nitong itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.