Mga mag-aaral ng Canmaya Diot NHS, nakiisa sa isinagawang Symposium sa Bohol
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Canmaya Diot National High School sa isinagawang symposium ngayong ika-7 ng Agosto 2025 sa Brgy. Canmaya Diot, Sagbayan, Bohol.
Inilunsad ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 7 (RPCADU 7) ang aktibidad bilang bahagi ng kanilang adhikaing mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng sektor ng kabataan.
Tinalakay sa symposium ang mahahalagang isyung panlipunan tulad ng droga, kriminalidad, terorismo, at iba pang banta sa seguridad.

Hinikayat din ng grupo ang mga kabataan na maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinatutunayan ng kapulisan ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay edukasyon, paggabay, at pangangalaga sa kabataan—bilang mahalagang bahagi ng paghubog sa isang ligtas at maunlad na bayan.