Panunumpa ng Bagong Opisyal ng Salaam Advocacy Group, isinagawa sa DavNor

0
2dd3ca48-08bd-444d-a4e8-c95b4b638bcc

Isang makabuluhang kaganapan ng pagkakaisa ang matagumpay na nagtapos noong Mayo 25, 2025, sa Barangay Esperanza, Santo Tomas, Davao del Norte kung saan ginanap ang isang orientation at panunumpa ng mga bagong opisyal at miyembro ng Salaam Police Advocacy Group (SPAG) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Santo Tomas Municipal Police Station.

Sa pamamagitan ng nasabing pagtitipon, higit pang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng Muslim community at ng mga tagapagpatupad ng batas.

Sa aktibidad, ipinaliwanag sa mga bagong miyembro ang misyon, tungkulin, at kahalagahan ng kanilang papel bilang katuwang sa pagtataguyod ng kaayusan. Matapos ang oryentasyon ay isinagawa ang pormal na panunumpa ng mga halal na opisyal ng grupo.

Binigyang-diin ng mga opisyal na ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor, lalo na ang mga mula sa komunidad ng mga Muslim, ay mahalaga upang makabuo ng inklusibo at epektibong serbisyong panseguridad para sa lahat.

Nagpahayag din ng suporta ang mga lokal na lider at opisyal ng barangay sa nasabing inisyatibo, na kinikilala bilang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos para sa kapayapaan.

Ang ganitong mga gawain ay patunay ng patuloy na pagsisikap na pag-isahin ang bawat sektor ng lipunan tungo sa pagbuo ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *