Tree Planting Activity, isinagawa sa Digos City

Isinagawa ang tree planting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Davao del Sur bilang isang Insurgency-Free Province na may temang, “Moving forward in peace and progress: 3 years of sustained victory in the province of Davao del Sur” nito lamang Mayo 25, 2025 sa Mindanao Police Training Camp, Sitio Lutangan, Barangay Kapatagan, Digos City, Davao del Sur.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Sur sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office at nilahukan ng iba’t ibang ahensya, kabilang ang 39th Infantry Battalion ng Philippine Army at Davao del Sur PNP.
Ayon sa pamunuan ng Davao del Sur Police Provincial Office, ang kanilang pakikiisa ay patunay ng kanilang pangako na hindi lamang sa larangan ng seguridad, kundi maging sa mga gawaing pangkapaligiran ay handa silang makiisa para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.