Barangay Officials, masugid na nakiisa sa Dayalogo/Talakayan ng Antipolo PNP

Masugid na nakilahok ang mga Barangay Officials sa isinagawang dayalogo/talakayan ng Tagaytay Component City Police Station sa Barangay Silang Crossing East, Tagaytay City, Cavite nito lamang Huwebes, ika-5 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangunuhan ng tauhan ng Tagaytay City Component City Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Jefferson P Ison, Officer-In-Charge, kasama ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
Tinalakay sa mga Pulis sa Barangay ang patungkol sa Safe Spaces Act, Campaign Against Illegal Drugs, Bomb Awareness, Anti-Robbery Safety Tips at Anti-Criminality Campaign.
Layunin nitong suportahan ang mga programa ni Pangulo Ferdinand R Marcos Jr. na makatulong na maiwasan ang mga krimen, madagdagan ang kaalaman, mapanatili ang kaligtasan, katahimikan at kaayusan ng lipunan.
Patuloy na magpapatupad ng mga parehong programa na magpapatibay sa bawat komunidad sa paglaban sa anumang uri ng krimen at iregularidad sa buong bansa.
Source: Tagaytay CCPS
.