Barangay Assembly, isinagawa sa Tagaytay City

Nagsagawa ng Barangay Assembly ang Barangay Guinhawa South, Tagaytay City katuwang ang iba pang mga opisyales ng naturang lugar nito lamang Lunes, ika-9 ng Hunyo 2025.

Imbitado naman ang hanay ng kapulisan ng Tagaytay Component City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jefferson P Ison, Officer-In-Charge, at dumalo din ang CACG, Senior Citizen ng barangay at mga residente ng nasabing lugar.

Ang Barangay Assembly CY 2025 ay may temang “Barangay at Mamamayan, Sama-Samang Nagtutulungan sa Pagtaguyod ng Maayos, Maunlad at Mapayapang Mamamayan Tungo sa Isang Bagong Pilipinas”.

Tinalakay ni PLtCol Ison ang tungkol sa Crime Prevention, PNP Campaign Against Criminality at Project LUKAS.

Ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy na makikipagtulungan sa mamamayan upang magbigay ng mahusay na serbisyo publiko at matibay na ugnayang pulis-mamamayan sa pagtataguyod ng tiwala, kooperasyon, at kapayapaan sa ating lipunan.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *