Brgy. Based Advocacy Group, nakiisa sa talakayan sa bayan ng Peñablanca

0
viber_image_2025-06-10_20-17-41-944

Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group sa pangunguna ni Punong Barangay Eddielon Baralin sa isinagawang talakayan sa Brgy. Dodan, Peñablanca, Cagayan noong ika-8 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCpl Marjery Siddayao, Women and Children Protection Desk, PNCO ng Peñablanca Police Station, Cagayan Police Provincial Office.

Tinalakay ang tungkol sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) at Anti-Illegal Drugs o ang programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA at kaugnay sa kampanya sa iligal na droga at pag-iwas sa krimen sa mga residente ng nasabing barangay.

Ang aktibidad ay bahagi ng Project MARIPOSA o Make Arrest of Rape suspects, Initiate Primary Care, Educational Opportunities and Outreach Programs to Secluded Areas – isang inisyatibang nakatuon sa pagbibigay-proteksyon sa mga kababaihan at kabataan laban sa karahasang may kinalaman sa kasarian.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga Brgy. Based Advocacy Group upang mapanatili ang kaligtasan at mabawasan ang krimen at mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Ang Barangay Based Advocacy Group ay patuloy na makikiisa at susuporta sa programa ng pamahalaan tungo sa isang ligtas at maunlad na bagong pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *