Barangay Officials, nakiisa sa talakayan sa probisiya ng Quezon

Nakiisa ang Barangay Officials at Barangay Tanod sa isinagawang Dialogue at Symposium na ginanap sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon Province nito lamang Linggo, ika-8 ng Hunyo 2025.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Sariaya Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Carlo C Caceres, Acting Chief ang isinagawang Lecture/Symposium patungkol sa Crime Prevention, RA 9262, RA 8353, 8 Focus Crime, NTF – End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), OPLAN Balik Eskwela, Anti-Illegal Drugs Campaign at Project L.U.K.A.S.
Ang aktibidad ay naglalayong bigyan at palawakin ang kaalaman ng bawat mamamayan lalo ng mga katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan upang makamit natin ang Bagong Pilipinas.