Community Outreach Program, isinagawa sa Dumaran, Palawan
Matagumpay na isinagawa ang Community Outreach Program na may katagang “๐ง๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐๐ง๐” ang naisagawa ng kapulisan ng 2nd Palawan PMFC sa Sitio Cabilawen, Barangay Poblacion, Dumaran, Palawan nito lamang ika-9 ng Hunyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad katuwang ang Rotary Club of Roxas, KIWANIS Club of Young Professionals-Puerto Princesa City, Lokal na Pamahalaang Bayan ng Dumaran, Dumaran MPS at Lokal na Pamahalaan ng Barangay Poblacion, Dumaran.
Umabot sa mahigit apat-napuโt dalawang (42) mag-aaral ng Cabugawan Elementary School at labing isang (11) mag-aaral ng Daycare ang nakatanggap ng munting handog na mga gamit (School Supplies) mula sa kapulisan at sa mga katuwang nito.
Kabilang sa mga serbisyong hatid ay ang libreng gupit na kung saan animnapuโt dalawang (62) bata at matanda ang nabigyan ng serbisyo. Nagbigay rin ng kalaman ang kapulisan sa paggawa ng Dishwashing Liquid sa mga magulang at residente ng nasabing Sitio. Nagbahagi rin ng mga ibaโt-ibang uri ng panglinis (cleaning materials) para sa Cabugawan Elementary School na tinanggap ni Ginang Glenda V. Sapitanan, Teacher III, Teacher In-Charge ng nasabing paaralan.
Sa huli ay lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral at residente sa mga serbisyong kanilang natanggap mula sa kapulisan ng 2nd Palawan PMFC. Nalulugod naman ang pamunuan ng 2nd Palawan PMFC sa mga tumulong, sumuporta at nakibahagi sa nasabing programa na isang pagsasabuhay ng tunay na diwa ng mag-“Tarabangan Kita” at Serbisyong Nagkakaisa.