Brigada Eskwela 2025 Kick-Off Ceremony, isinagawa sa Tabontabon Leyte

Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2025 Kick-Off Ceremony orcade sa Amandangay Gymnasium, Tabontabon, Leyte nito lamang Hunyo 9, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga guro katuwang ang Tabontabon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Steve John M Abasolo, Acting Chief of Police, mga tauhan mula BFP, kasama ang mga magulang, at mga residente ng nasabing lugar.

Binigyang-diin ng 2025 Brigada Eskwela Kick-Off Caravan, na may temang “Sama-sama para sa Bayang Bumabasa,” ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa paghahanda ng mga paaralan para sa darating na akademikong taon.

Ang makabuluhang aktibidad ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa hanay ng mga ahensya ng gobyerno, mga tagapagturo, mga magulang, at mga miyembro ng komunidad—nagsusulong ng parehong karunungang bumasa’t sumulat at ang diwa ng bolunterismo sa paglilingkod sa ating mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *