Kabarangayan, Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS), isinagawa sa Kidapawan, North Cotabato

Isinagawa ang Kabarangayan, Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) na ginanap sa Barangay Onica, Kidapawan City, North Cotabato nito lamang ika-9 ng Hunyo 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan katuwang ang mga miyembro ng Kidapawan Police Station na boluntaryong nakiisa sa nasabing programa.

Humigit kumulang 300 ang benepisyaryong nabigyan ng libreng serbisyo tulad ng libreng Police Clearance para sa mga first time job seekers, libreng gupit, libreng tuli, feeding program at pamimigay ng food packs sa nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga barangay na hindi agad naaabot ng regular na serbisyo ng mga tanggapan ng gobyerno.