BADAC Meeting, isinagawa sa Bohol

Nagsagawa ng buwanang pagpupulong ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na ginanap sa Barangay Hinlayagan Ilaya, Trinidad, Bohol, noong ika-10 ng Hunyo 2025.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kapulisan mula sa Trinidad Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Nicolas A. Aparilla, Officer-in-Charge at Chief of Police.
Isa sa pangunahing layunin ng pulong ay maiparating ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga isyung pambansa at panlokal sa seguridad gaya ng paglaganap ng loose firearms, fake news, presensya ng mga Private Armed Groups (PAGs), Criminal Gangs (CGs), at ang pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program. Kasama rin sa mga tinalakay ang Anti-Terrorism/NTF-ELCAC, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at ang pinabibisang KASIMBAYANAN program ng PNP.
Ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ay mahalagang mekanismo sa bawat barangay na binubuo ng mga opisyal at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Layunin nitong pamunuan ang pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programang kontra-droga na angkop sa pangangailangan ng kani-kanilang komunidad.