Bloodletting Activity, isinagawa sa Bukidnon

0
494692149_1011609971125969_2170824569619175155_n

Dalawang bloodletting activity ang isinagawa sa lalawigan ng Bukidnon nito lamang ika-10 ng Hunyo 2025.

Unang isinagawa ang aktibidad sa Barangay San Jose, Quezon, Bukidnon kung saan nakalikom ng kabuuang 101 units ng dugo.

Sinundan ito ng isa pang bloodletting activity sa Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon na nakalikom naman ng 22 units ng dugo.

Ang lahat ng nakolektang dugo ay maayos na naiproseso at nakaimbak sa Bukidnon Provincial Medical Center (BPMC).

Layunin ng aktibidad na patuloy na magbigay ng suporta sa mga nangangailangan ng dugo, kabilang na ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman, mga nasa operasyon, at mga biktima ng aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *