KKDAT Catubig, nakilahok sa 2025 World Day against Child Labor sa Northern Samar

Masayang nilahukan ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang isinagawang 2025 World Day against Child Labor ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Catubig Municipal Covered Court, Catubig, Northern Samar nito lamang Hunyo 12, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director na dinaluhan ng mga kabataan ng nasabing lugar.
Nagdulot ng ngiti at saya sa mga benepisyaryo ang mga binahagi ng mga grupo na higit isang daang pares ng tsinelas at shared ice cream treats.
Ang pagdiriwang ay naglalayong itaas ang kamalayan sa kalagayan ng mga child laborers at muling pagtibayin ang hindi natitinag na pangako ng pamahalaan na itaguyod ang mga karapatan, dignidad at kapakanan ng bawat batang Pilipino.