Symposium Activity, isinagawa sa Julita National High School

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral na Junior High ng Julita National High School sa isinagawang symposium activity na ginanap sa Poblacion District IV, Julita, Leyte nito lamang Hunyo 23, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Julita Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Esteven M Pagtabunan Acting Chief of Police kasama ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang symposium ay nakatuon sa mga mahahalagang paksa tulad ng Anti-Child Abuse, Anti-Bullying, Drug Awareness, EO 70 or ELCAC, Anti-Rape Law at Crime Prevention and Safety Tips.
Layon ng aktibidad na imulat ang isipan ng mga kabataan at hikayatin silang maging aktibong kalahok sa pagtataguyod ng isang ligtas na lipunan.