Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon

Nagsagawa ng clean-up drive ang mga residente ng Barangay Poblacion, Lantapan, Bukidnon nito lamang ika-29 ng Hunyo, 2025.
Aktibo ring nakilahok ang mga opisyal ng Brgy., volunteers, at mga kabataan.
Sama samang tinanggal ang mga basura, dahon at iba pang dumi na maaaring maging sanhi ng pagbaha o pagkalat ng sakit.
Tinatayang nasa pitong sako ng iba’t ibang klase ng basura ang kanilang nakolekta mula sa pag iikot sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan, lalo na ang kabataan, na maging responsable sa pagtatapon ng basura at maiwasan ang pagkalat ng sakit at polusyon sa komunidad.

