KKDAT at PNP, sama-sama sa paghahanda para sa darating na Youth Camp sa Cabatuan, Iloilo
Sa layuning palakasin ang kakayahan, pananampalataya, at liderato ng kabataan, nagsanib-puwersa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Cabatuan at mga tauhan ng Cabatuan Municipal Police Station (MPS) para sa paghahanda sa nalalapit na youth camp na pinamagatang “PAGPANIKASOG 2025: Awakening and Empowering Youth Leaders to Echo God’s Mission”, nito lamang ika-29 ng Hunyo 2025.
Inaasahang gaganapin ang naturang camp sa darating na Hulyo 4 hanggang 6, 2025 sa Grio Elementary School, Barangay Puyas, Cabatuan, Iloilo.
Layunin nitong bigyang-lakas at imulat ang mga kabataang lider upang maging tagapagdala ng mensahe ng Diyos sa kanilang mga pamayanan.
Kasabay ng paghahanda ay nagsagawa rin ng simpleng turnover ceremony ng mga goods ang KKDAT Cabatuan at ang kapulisan sa mga nag oorganisa ng nasabing aktibidad.
Ang mga ipinamahaging goods ay magsisilbing suporta sa mga pangunahing pangangailangan ng mga kalahok sa camp, gaya ng pagkain at iba pang kagamitan. Ang simpleng pagkilos na ito ay nagpapakita ng malasakit at pagkakaisa ng pamahalaan at mga organisasyon sa layuning mapaunlad ang kabataan.
Bukod sa materyal na tulong, ang aktibidad ay simbolo rin ng pangakong patuloy na susuportahan ng kapulisan at KKDAT ang mga programang nagpapalakas sa moral, espiritwal, at panlipunang kakayahan ng mga kabataan.
Source: Cabatuan Municipal Police Station