LGU Magpet, nagsagawa ng Clean-Up Drive

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Magpet ng Clean-Up Drive na ginanap sa Barangay Bagumbayan, Magpet, North Cotabato nito lamang ika-28 ng Hunyo 2025.

Ang naturang aktibidad dinaluhan ng mga tauhan ng Magpet Municipal Police Station.

Layunin ng mga ganitong programa na hikayatin ang kooperasyon at pagkakaisa sa komunidad sa pamamagitan ng sabay-sabay na paglilinis upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang polusyon, at maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *