National Disaster Resilience Month 2025 Kick-off ceremony, isinagawa sa Divilacan, Isabela
Matagumapay na isinagawa ang Kick-Off Ceremony ng 2025 National Disaster Resilience Month na may temang: “Kumikilos, Kayang Umaksyon ang Mamamayan. Isabuhay ang Kahandaan ng Bawat Isa Para Maging Ligtas sa Oras ng Sakuna Para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan,” sa Barangay Dimapula Gymnasium, Divilacan Isabela nito lamang ika-01 ng July 2025.
Pinangunahan ni Engr. Ezekiel Chavez ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) na siyang nag-organisa, katuwang ang Divilacan PNP, mga opisyal ng barangay, LGU departments, at mga force multipliers.
Dumalo rin sa programa ang iba’t ibang ahensya at sektor tulad ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Department of Education, patunay ng sama-samang pagkilos ng komunidad para sa kaligtasan ng lahat.

Sinimulan ang programa sa isang taimtim na panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Engr. Chavez,
Layunin ng mga panayam na palalimin ang kaalaman ng mamamayan sa mga banta ng kalikasan at palakasin ang kanilang kakayahang tumugon sa anumang uri ng sakuna.
Sa patuloy na pakikiisa ng Divilacan Municipal Police Station sa mga programang tulad nito, pinatutunayan ng PNP ang kanilang pangako na maging katuwang ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at higit sa lahat kahandaan sa panahon ng kalamidad.
Source: Divilacan PNP