Religious Sector, pinangunahan ang inauguration at blessing ng newly completed Pagsanghan MPS Building

0
viber_image_2025-07-02_13-34-30-243

Pinangunahan ni Rev. Fr. Michael Anthony N Aguilar, Sr. Sto. Niño Parish Church ang Inauguration at Blessing ng newly completed Pagsanghan MPS Building sa Barangay Viejo, Pagsanghan, Samar nito lamang Hulyo 1, 2025.

Ang kaganapan ay pinasimulan ni Police Colonel Antonietto Eric A Mendoza, Provincial Director, Samar PPO na kinatawan ni PBGen Jay R Cumigad, Regional Director, PRO8 kasama ang Local Government ng Pagsanghan sa pamumuno ni Hon. Sed Hendrix C Tan, Municipal Mayor ng Pagsanghan at iba pang stakeholders.

Nagsimula ang nasabing programa sa cutting at pag-unveil ng ribbon ng building marker na sinundan ng basbas ng gusali na ipinagdiwang ni Rev. Fr. Aguilar.

Dahil sa bagong istasyon, ang mga residente ng Pagsanghan ay makakaasa ng mas pinabuti at mas pinalakas na pagpapatupad ng batas ng kapulisan, na magtitiyak ng higit na kaligtasan at seguridad sa nasabing lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *