Mga mag-aaral, nakiisa sa symposium activity sa Bohol

0
viber_image_2025-07-03_12-21-48-142

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral sa Symposium Activity na ginanap sa Bayong Elementary School sa Pilar, Bohol, noong ika-2 ng Hunyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pilar Municipal Police Station sa pamumuno ni
PCpt Waldo S. Batad, Officer-in-Charge.

Ang aktibidad ay nakatuon sa mga Grade 6 pupils at layuning magbigay ng kaalaman ukol sa mga panganib ng terorismo at ilegal na droga.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng nararapat na edukasyon upang mailayo ang kabataan sa masasamang gawain. Ipinaliwanag niya ang mga uri ng banta na maaaring magdulot ng terorismo at droga sa ating lipunan, at kung paano maaaring makilahok ang mga kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad.

Ang ganitong inisyatibo ay nagpapakita ng pagsusumikap ng kapulisan na hindi lamang sila basta nagpapatupad ng batas, kundi tumatayo ding mga tagapagturo at katuwang sa pagpapaunlad ng kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *