Local Governance Transition Team Meeting, isinagawa sa Catarman, Northern Samar

0
viber_image_2025-07-03_11-51-59-238

Matagumpay na naisakatuparan ang Local Governance Transition Team Meeting na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya sa SB Session Hall, Legislative Building, Catarman, Northern Samar nito lamang Hulyo 2, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Diane E. Rosales, ang bagong halal na Alkalde ng Munisipyo kasama si Police Lieutenant Colonel John Ryan C Doceo, Acting Chief of Police ng Catarman Municipal Police Station, mga newly elected at re-elected officials ng Catarman at mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya.

Bilang miyembro ng Peace and Order and Public Safety Sector, naghatid si PLtCol Doceo ng Executive Briefing na nagbibigay-diin sa kasalukuyang Peace and Order Situation sa munisipyo. Iniharap din niya ang Plans, Programs, and Activities (PPAs) ng Catarman Municipal Police Station bilang suporta sa peace and security agenda ng lokal na pamahalaan.

Ang pulong ay nagsilbing plataporma para sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya at pagtiyak ng maayos na paglipat ng pamamahala para sa epektibong lokal na administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *