Drug Awareness at Crime Prevention Lecture, isinagawa sa Irosin, Sorsogon

0
viber_image_2025-07-04_16-35-50-102

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad, nagsagawa ng school visit ang mga tauhan ng Irosin Municipal Police Station (MPS) sa Patag Integrated School noong Hulyo 2, 2025.

Sa naturang aktibidad, nagbigay ng lecture ang mga kapulisan ukol sa drug awareness at mga crime prevention tips para sa mga mag-aaral.

Pinangunahan ng mga miyembro ng Irosin MPS ang talakayan, kung saan hinikayat nila ang mga estudyante na maging responsable, mapagmatyag, at aktibong makilahok sa mga gawaing pangkaayusan at pangkapayapaan ng kanilang komunidad.

Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng droga at kung paano nila maiiwasan ang pagiging biktima o sangkot sa anumang uri ng krimen.

Ang ganitong mga hakbang ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan sa pagtuturo ng tamang impormasyon at pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataan na mas madaling maimpluwensyahan ng masasamang bisyo at gawain.

Source: Irosin Mps Sorsogon Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *