Symposium Activity, isinagawa sa Bohol

0
viber_image_2025-07-05_15-53-58-796

Isinagawa ng mga tauhan ng Inabanga Municipal Police Station ang isang lecture para sa mga estudyante ng Southern Inabanga High School sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Albert R. Sator, noong ika-4 Hulyo 2025.

Ang unang tinalakay ay ang Republic Act 8353 o ang “Anti-Rape Law of 1997”. Ipinaliwanag dito ang iba’t ibang uri ng sexual assault at ang mga kaukulang parusa para sa mga lumalabag sa batas.

Binibigyang-diin ng batas na may karapatan ang bawat indibidwal na maging ligtas, at mahalagang malaman ito ng mga kabataan upang sila ay maging mulat, maingat, at marunong humingi ng tulong kung kinakailangan.

Sunod namang tinalakay ang Drug Awareness, kung saan ipinaalam sa mga estudyante ang uri ng mga iligal na droga tulad ng shabu at marijuana, pati na rin ang masamang epekto ng mga ito sa katawan, isipan, at relasyon sa pamilya at lipunan.

Binigyan rin sila ng mga estratehiya kung paano tanggihan ang peer pressure at paalalang humingi ng tulong sa mga taong kanilang pinagkakatiwalaan.

Sa huling bahagi ng talakayan, ipinaliwanag ang tungkol sa Anti-Terrorism na naglalayong imulat ang mga kabataan sa banta ng CPP-NPA-NDF, lalo na ang kanilang panlilinlang upang makapagrecruit. Naging mahalagang punto ng talakayan ang pagbibigay-babala sa mga estudyante upang huwag magpalinlang at manatiling mapagmatyag.

Sa kabuuan, ang lecture ay bahagi ng adhikain ng PNP na magtaguyod ng isang ligtas, maalam, at responsableng kabataan para sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *