Tree Planting Activity, isinagawa sa Davao del Norte bilang Paggunita sa National Disaster Resilience Month 2025

Isinagawa ang isang makabuluhang Tree Planting Activity sa Barangay Magupising, B.E. Dujali, Davao del Norte bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025 nito lamang Biyernes, Hulyo 4, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) Region XI, at aktibong nilahukan ng mga kawani mula sa Davao del Norte Provincial Community Affairs and Development Unit.

Layon ng pagtatanim ng mga puno na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng kalikasan bilang proteksyon laban sa mga kalamidad, at bilang hakbang sa pagpapalakas ng katatagan ng mga komunidad sa harap ng sakuna.

Ang ganitong uri ng inisyatibo ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan at ng lokal na pamayanan sa pagsusulong ng isang ligtas at luntian paraiso para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *