BPATs, nakiisa sa isinagawang talakayan sa Cagayan

0
viber_image_2025-07-06_15-52-13-749

Nakiisa ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang talakayan sa Barangay Enrile, Cagayan noong ika-5 ng Hulyo, 2025.

Pinangunahan ni PCpl Janine Gammad, Admin PNCO, Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang barangay visitation dialogue/lecture para mapanatili ang kaayusan at patuloy na komunikasyon at koordinasyon ng kapulisan sa mga mamamayan.

Ibinahagi ng kapulisan ang patungkol sa peace and order, anti-illegal drugs campaign, anti-terrorism/EO70 NTF ELCAC at municipal ordinances para sa mga Barangay Officials at Workers/BPATs ng nasabing barangay para sa mas maigting na pagtutulungan ng bawat Isa sa nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang samahan at pagtutulungan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at ng kapulisan para sa isang komunidad na payapa at ligtas na bagong pilipinas.

Source: Enrile PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *