Inter-Agency Support Operation, isinagawa sa Northern Samar
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Giparayan Elementary School sa isinagawang Inter-Agency Support Operation sa pamamagitan ng School Visitation at Lecture ng Revitalized Pulis sa Barangay na ginanap sa Giparayan Pambujan, Northern Samar nito lamang Hulyo 3, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng RPSB team Barangay Giparayan, Pambujan, Northern Samar sa pangunguna ni Police Lieutenant Cres N Quimbo, Team Leader sa pangangasiwa ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director ng Northern Samar.

Saklaw ng panayam ang mahahalagang paksa kabilang ang Anti-terrorism Awareness, Anti-Illegal Drugs Campaign, at ang Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.
Ang naturang aktibidad ay bahagi sa taunang pagdiriwang ng “30th PCR Month Celebration”.
Layunin nitong itaas ang kamalayan sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga legal na karapatan at responsibilidad, palakasin ang kahalagahan ng kaligtasan at pagsunod sa batas, at higit sa lahat pagtibayin pa ang pakikipagtulungan sa pagitan ng komunidad at lokal na tagapagpatupad ng batas.