Dayalogo kasama ang BPATS, Isinagawa sa Tagaytay City

0
viber_image_2025-07-06_18-01-51-553

Nagsagawa ng isang dayalogo ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa pangunguna ni PLtCol Jefferson P. Ison, Officer-in-Charge, nito lamang ika-4 ng Hulyo, 2025 sa pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) ng Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City.

Layon ng nasabing aktibidad na paigtingin ang kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at talakayin ang kahalagahan ng Emergency Hotline 911 bilang mabilisang tugon sa mga insidente at sakuna. Tinalakay sa dialogo ang mga programang pangkaayusan ng kapulisan at ang mahalagang papel ng BPATS sa pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay.

Nagkaroon din ng malayang talakayan kung saan nakapagbahagi ng kanilang saloobin at mungkahi ang mga kasapi ng BPATS kaugnay sa seguridad sa kanilang lugar. Ang aktibong pakikiisa ng mga kalahok ay nagpapakita ng kanilang malasakit at dedikasyon sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP na mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at komunidad tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng Tagaytay City.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *