KKK at PNP Bagamanoc, nagsagawa ng Anti- Criminality Advocacy Campaign
Nagsagawa ng Anti-Criminality Advocacy Campaign ang mga kapulisan ng Bagamanoc Municipl Police Station sa pamumuno ni PCPT GRINGO B TAULE, Acting Chief of Police sa mga estudyante ng San Vicente National High School, Barangay San Vicente, Bayan ng Bagamanoc.
Nakiisa sa nasabing programa ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK) bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika 30th Police Community Relations Month nitong ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Patuloy sa pagpalaganap ng impormasyon ang ating kapulisan at Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK) patungkol sa kampanya ng gobyerno sa ilalim ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN kung saan ang lahat ay inaanyayahan na maki-isa at maging parti ng kampanya ng gobyerno para sa mas matatag at mas nagkakaisang komunidad, simbahan at kapulisan.
Samantala, kasabay ng aktibidad, tinalakay din ng ating mga kapulisan ang tungkol sa Special Laws, VAWC, RA 8353 (Anti-Rape Law), RA 11313 (The Safe Spaces Act), BIDA Program ng pamahalaan at ang kampanya kontra iligal na droga at terorismo.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan sa bawat barangay at palakasin ang mga programa ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na pagpapatupad nito lalo na ang programang pangkapayapaan sa lahat ng komunidad.
Source: Pnp Bagamanoc