OPLAN BES (Bisita Eskwela “I am Strong”), isinagawa sa Bohol
Matagumpay na isinagawa ang PNP OPLAN BES (Bisita Eskwela “I am Strong”) kasabay ng DOH Healthy Young Ones Program ng mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Poblacion, Talibon, Bohol, noong ika-5 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ito ng mga tauhan mula sa Talibon Police Station sa pamumuno ni PMAJ Romar T. Labasbas, Chief of Police.
Katuwang sa gawain ang Rural Health Unit ng Talibon na pinamumunuan ni Dr. Mary Jeciel C. Dolor, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion, Barangay Council, Barangay Health Workers, at Rural Health Midwife.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga kabataan sa mga isyung pangkalusugan at pangkaligtasan na nakaaapekto sa kanilang kapakanan.