San Miguel MPS, nakiisa sa Career Guidance Program para sa mga mag-aaral ng Grade 12

0
viber_image_2025-07-06_15-52-13-749

Nakiisa ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PSSg Sheena T. Lastrella, Assistant MCAD, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Jonnel L. Bonguyan, Chief of Police sa isinagawang Career Guidance Program ng mga Grade 12 students sa San Miguel Rural Development High School sa Catanduanes nitong Hulyo 4, 2025.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan kay Dr. Juan Torreja, Punong-Guro ng nasabing paaralan.

Kabilang sa itinampok ng naturang programa ang lecture na pinangunahan ng BJMP San Andres, na layuning bigyang-kaalaman ang mga kabataan hinggil sa mga isyung panlipunan at mga batas.

Nagbigay rin si PSSg Lastrella ng mahahalagang impormasyon at paalala ukol sa tamang landas na tatahakin ng kabataan, kasabay ng pagpapaigting ng adbokasiya kontra ilegal na droga, kriminalidad, at rebelyon.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP sa pagpapaigting ng kaalaman at pagbibigay proteksyon sa mga kabataan tungo sa ligtas at maunlad na kinabukasan.

Source: Sanmiguel Mps Catanduanes Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *