Barangay Peace and Order Council (BOPC) Meeting, isinagawa sa Barangay Iruhin Central, Tagaytay City
Nagsagawa ng Barangay Peace and Order Council (BOPC) Meeting ang Barangay Iruhin Central, Tagaytay City nito lamang Linggo, ika-7 ng Hulyo 2025.
Imbitado ang hanay ng kapulisan ng Tagaytay Component City Police Station, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jefferson P. Ison, Officer-In-Charge, at mga myembro ng Barangay Peace and Order Council (BPOC) at mga residente ng nasabing lugar.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar, kampanya kontra-krimen, at ang paggamit ng Emergency Hotline 911.
Ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy na makikipagtulungan sa mamamayan upang magbigay ng mahusay na serbisyo publiko at matibay na ugnayang pulis-mamamayan sa pagtataguyod ng tiwala, kooperasyon, at kapayapaan sa ating lipunan.
Source: Tagaytay CCPS