‘Pagpapatibay sa Seguridad’ BPATs Training, Isinagawa sa Brgy. Sta. Rita Central, Agoo, La Union

0
viber_image_2025-07-07_13-11-28-776

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng PCR Month 2025, isinagawa ang BPATs Empowerment and Capacity-Building Training Program sa Brgy. Sta. Rita Central, Agoo, La Union nito lamang Hulyo 6, 2025.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Agoo Police Station, sa pamumuno ni PCpt Erwin E. Lopez, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Ricardo C. Serrano Jr., Chief of Police.

Ang programa ay inisyatibo ng mga opisyal ng barangay, sa pamumuno ni Punong Barangay Fernando C. Fabro, na layuning palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, inaasahang mas magiging epektibo ang BPATs sa pagtugon sa mga isyu ng seguridad, kaligtasan, at kaayusan sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *