Religious Sector, nagsagawa ng Medical Mission sa Isabel, Leyte
Matagumpay na naisagawa ang Medical Mission ng mga Religious Sector mula sa Seventh Day Adventist sa Galicano N. Ruiz Center sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit at kapulisan ng Isabel Municipal Police Station sa Barangay Sto. Niño, Isabel, Leyte nito lamang Hulyo 6, 2025.
Ang aktibidad ay itinaguyod ng Seventh Day Adventist mula sa Australia at naging matagumpay sa pamamagitan ng boluntaryong pagsisikap ng kanilang mga doktor, nars, at miyembro ng simbahan, na may pahintulot at buong suporta ng Local Government Unit ng Isabel at Isabel Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Jay Ian M Fabrero, Officer-In-Charge.
Humigit-kumulang 600 na indibidwal ang nakinabang sa libreng serbisyo tulad ng libreng dental services, laboratory tests, medical consultations na may libreng gamot, optical check-ups, at physiotherapy.
Ang makabuluhang aktibidad ay nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng PNP, LGU, at mga Religious Sector sa pagsuporta sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng mga Isabelanon.