1st Barangay Session para sa buwan ng Hulyo, isinagawa sa Barangay Naparasan, Mapanas, Northern Samar

0
viber_image_2025-07-08_16-35-24-580

Matagumpay na isinakatuparan ng mga Force Multiplier ang 1st Barangay Session para sa buwan ng Hulyo sa Barangay Naparasan, Mapanas Northern Samar nito lang Hulyo 8, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Teogenes Ortinez, Punong Barangay kasama ang mga barangay officials at mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Team sa pamumuno ni Police Lieutenant Gart M Palaña, Team leader.

Layunin ng naturang session ang pagpapaunlad ng komunidad at pagtutulungan para sa pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan. Nagbibigay rin ito ng plataporma ng transparency at pananagutan sa mga opisyal, kung saan tinalakay ang mga isyu, at mga pwedeng mai-ambag sa pagpapaunlad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *