BPATs Training, isinagawa sa Pangasinan
Isinagawa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Training sa Barangay Hall ng Sto. Domingo, Pangasinan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!” nito lamang Hulyo 7, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ng Sangguniang Barangay ng Sto. Domingo sa pamumuno ni Liga President at Punong Barangay Arman Casil, kasama ang mga miyembro ng CVO (Civilian Volunteer Organization) at Lupong Tagapamayapa.
Layunin ng pagsasanay na ito na paigtingin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa barangay. Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga tungkulin ng BPAT sa pagtugon sa mga insidente, community policing, at pagpapanatili ng kapayapaan.
Nagpasalamat si Punong Barangay Casil sa aktibong pakikilahok ng mga opisyal at boluntaryo. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaisa ng bawat sektor ng barangay upang maisulong ang adhikain ng Bagong Pilipinas tungo sa isang ligtas at maunlad na komunidad.