Clean-Up Drive, isinagawa
Isinagawa ang isang Clean-Up Drive sa Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon sa pangunguna ng 1003rd Maneuver Company, RMFB 10, na pinamunuan ni Police Lieutenant Daniel A Lisondra sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Alain G Jamero, Company Commander nito lamang Hulyo 7, 2025.
Katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng San Fernando sa naturang gawain.
Sinimulan ang aktibidad sa ganap na 8:00 ng umaga, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at iba pang departamento ng LGU.
Layunin nitong linisin ang paligid at maisulong ang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran bilang bahagi ng paghahanda ng bayan para sa Gawad Pangulo sa Kapaligiran (GPK) Calendar Year 2025 Evaluation.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month, na may temang “Pagtibayin ang Ugnayan ng Pulisya at Pamayanan sa Pamamagitan ng Aktibong Partisipasyon at Serbisyong Makabuluhan.”
Ang pakikiisa ng 1003rd Maneuver Company ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng PNP na palawakin ang kanilang serbisyo lampas sa pagpapanatili ng kapayapaan—kabilang na ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad.
Sa pamamagitan ng solidong pagtutulungan sa LGU at iba pang sektor, patuloy nitong pinapatatag ang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran sa mga lugar na kanilang pinaglilingkuran.


