Joint Monthly Meeting ng BADAC at BPOC sa Barangay Tambo, Ayungon, Negros Oriental, idinaos

0
viber_image_2025-07-08_16-35-24-580

Nagsagawa ng barangay visitation ang mga tauhan ng Ayungon Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PCAPT Patrick Pol Lacandula, Officer-in-Charge, kasabay sa idinaos na Joint Monthly Meeting ng mha kasapi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) ng Barangay Tambo, na pinamunuan ni Hon. Floryville Jay Dome, Punong Baranga, noong ika-7 ng Hulyo 2025 sa Ayungon, Negros Oriental.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong si Master Sergeant Jessie Amar Prieto mula sa 47th Infantry Battalion, 3rd Infantry Division ng Philippine Army, kasama ang mga kinatawan ng Charlie Company at ang mga miyembro ng sangguniang barangay.

Pinag-usapan sa meeting ang mga update tungkol sa Persons Who Use Drugs (PWUDs), mga isyu at suliranin ng komunidad, epekto ng ipinagbabawal na gamot, at ang patuloy na pagpapatupad ng drug clearing program.

Tinalakay din ang Community Anti-Terrorism Awareness, kampanya laban sa kriminalidad, at mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa barangay.

Layunin ng mga aktibidad na ito na mapalalim ang kaalaman ng mamamayan at mas mapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *