Kabataan Kontra Droga at Terorismo Youth Forum, isinagawa sa Carmona, Cavite

0
viber_image_2025-07-08_10-35-19-280

Matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng KKDAT at ng Police Community Affairs and Development (PCAD) Team ng Carmona City Police ang isang lecture at youth forum bilang bahagi ng pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month 2025 na ginanap sa Penthouse ng City Hall ng Lungsod ng Carmona, Cavite nito lamang ika-05, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Rhina B. Mariquina, sa pamumuno ni PMaj Robert S. Dimapilis, OIC, kasama ang mga miyembro ng KKDAT na pinangunahan ni John Noe S. Lopez.

Dumalo rin sa aktibidad si Kgg. Roy TJ A. Loyola, Konsehal ng Lungsod ng Carmona, bilang panauhing pandangal.

Layunin ng seminar na palalimin ang kaalaman ng kabataan, partikular ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at youth sector mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, tungkol sa KKDAT advocacy, Executive Order No. 70, at kampanya laban sa ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *