Police-Community Forum, inilunsad sa Tiong, Quezon

0
viber_image_2025-07-09_11-48-16-528

Pinalakas pa ng Quezon Police Provincial Office ang ugnayan nito sa mga lider ng barangays matapos ilunsad nito lamang ika-08 ng 2025 ang isang makabuluhang Police-Community Forum kasama ang mga kasapi ng Association of Barangay Captains (ABC) ng bayan ng Tiaong, Quezon.

Pinangunahan ni PCol Romulo A. Albacea, Provincial Director ng Quezon PPO, ang nasabing forum na isinagawa sa ABC Hall, Brgy. Poblacion 3, katuwang ang Tiaong Municipal Police Station. Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang koordinasyon sa pagitan ng PNP at mga barangay sa larangan ng crime prevention, peacekeeping, at mabilisang aksyon sa mga insidente.

Binigyang-diin ni PCol Albacea ang napakahalagang papel ng mga Punong Barangay sa pagpapanatili ng seguridad sa kanilang mga nasasakupan. Aniya, “Ang ating mga Punong Barangay ang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan, pagpapatupad ng batas, at pagtiyak ng seguridad sa ating mga komunidad.”

Isa rin sa pangunahing tinalakay ay ang 5-Minute Response Time Policy ng PNP, na naglalayong makapagbigay ng agarang tugon sa mga tawag-saklolo, aksidente, o banta sa kaligtasan. Hinimok ang mga opisyal ng barangay na makipag-ugnayan agad sa pulisya upang maisakatuparan ang layuning ito.

Ang mga Punong Barangay ang itinuturing na unang linya ng pagtatanggol ng komunidad, kaya’t kinikilala sila bilang “Bida sa Kaayusan.” Sa kanilang aktibong partisipasyon, higit pang napapalalim ang ugnayan ng mamamayan at ng kapulisan.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Quezon PPO sa community-based policing, kung saan ang bawat mamamayan lalong-lalo na ang mga lokal na lider katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at tahimik na pamayanan.

Source: PIO, Quezon PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *