Symposium Activity, isinagawa sa Talibon, Bohol

0
viber_image_2025-07-09_13-17-34-763

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”, matagumpay na isinagawa ng Talibon Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ROMAR T. LABASBAS, Chief of Police, noong Hulyo 8, 2025, dakong alas-3 ng hapon sa Sto. Niño Multi-Purpose Center, Talibon, Bohol.

Naging posible ang naturang symposium sa pakikipagtulungan ng kapulisan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Talibon, at ni Mr. Michael Cabanag, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ng DILG Talibon.

Dumalo ang mahigit 75 na kalahok, kabilang na ang 25 Punong Barangay, mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa, at mga Barangay Secretary mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal ng barangay sa pagtugon sa mga isyung panlipunan.

Tinalakay din sa seminar ang mga mahahalagang paksa tulad ng Barangay Drug Clearing Program, kampanya kontra ilegal na droga, at mga hakbang laban sa terorismo. Binibigyang-diin ng seminar ang mahalagang papel ng barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pakikiisa sa mga layunin ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinagtibay ang matatag na ugnayan ng PNP, DILG, at mga barangay officials sa pagtutulungan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan. Isa itong patunay na sa Bagong Pilipinas, kailangan sabay-sabay at nagtutulungan ang lahat sa pagkilos para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *