Bloodletting Activity, isinagawa sa Zamboanga Sibugay

0
515992605_1819576398657900_3712199486363096356_n

Isinagawa ang Bloodletting Activity bilang pagsuporta sa ika-30 anibersaryo ng Police Community Relations (PCR) Month sa Zamboanga Sibugay Police Provincial Office Multi-Purpose Building, Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-9 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, sa pangunguna ni Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Provincial Medical and Dental Team na pinamumunuan ni Police Captain Roosevelt L Masiclat, Team Leader, at ng Philippine Red Cross – Zamboanga Sibugay Chapter sa pamumuno ni G. Keanrick T. Tan, Chapter Administrator.

Mahigit 100 na mga kawani mula sa Provincial Headquarters, mga Municipal Police Stations, at 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies ang aktibong lumahok sa nasabing gawain.

Ang bloodletting drive ay nakaugat sa tema ng PCR Month ngayong taon: “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka,” na sumasalamin sa matibay na paninindigan ng PNP para sa kalusugan ng publiko at kapakanan ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na makalikom ng dugo para sa mga nangangailangan, magligtas ng buhay, at suportahan ang mga serbisyong medikal. Isa rin itong hakbang upang mapalawak ang kaalaman ng publiko ukol sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *