BPATs at Ronda Kababaihan, nakiisa sa Awareness Lecture sa Bataan  

0
518638529_1444264456600130_143517235703206764_n

Aktibong nakiisa ang mga masisipag na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Ronda Kababaihan sa isang makabuluhang awareness lecture na ginanap sa Brgy. Hall ng San Isidro, Mariveles, Bataan nito lamang ika-9 ng Hulyo, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Mariveles Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joelito R Orias, Officer-In-Charge.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga mamamayan at barangay volunteers pagdating sa 911 Emergency Response, Rape Prevention and Safety Tips, Intervention Mechanisms, at mga probisyon ng Republic Act 7610 na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso.

Tinalakay rin ang proseso ng Katarungang Pambarangay, na mahalagang bahagi ng paglutas ng mga alitan sa komunidad. Sa pamamagitan nito, mas napalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok upang maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *