SEED Program, isinagawa ni Ptr. Jean Cera para sa Bantay MPS
Si Ptr. Jean Cera, isang Values Life Coach, ay nagsagawa ng Spiritual Enhancement and Ethical Development (SEED) program para sa mga personnel ng Bantay MPS upang suportahan ang Enhanced PNP Revitalized Internal Cleansing Strategy nito lamang Hulyo 10, 2025.
Ang programa ay nakatuon sa pagpapalago ng espiritwal at etikal na mga pagpapahalaga upang mapabuti ang moralidad at integridad ng mga pulis.
Ayon kay Ptr. Cera, ang SEED ay nagbibigay ng gabay sa mga pulis upang maglingkod ng tapat at makatarungan sa kanilang komunidad.
Ang SEED ay isang mahalagang bahagi ng pagsasanay ng PNP upang mapanatili ang tiwala ng publiko at itaguyod ang isang positibong kultura sa mga miyembro ng pulisya.
Source: Bantay Municipal Police Station Page