Barangay Peace and Order Council (BPOC) Meeting, isinagawa sa Lungsod ng Tagaytay

0
viber_image_2025-07-12_11-48-36-432

Matagumpay ang isinagawang Barangay Peace and Order Council (BPOC) Meeting nito lamang ika-11 ng Hulyo 2025 sa Barangay Tolentino East, Lungsod ng Tagaytay.

Aktibong nakilahok sa pag pupulong ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station (CCPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLtCol Jefferson P. Ison, Officer-in-Charge, at mga miyembro ng BPOC ng naturang lugar.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan sa barangay. Kabilang sa mga pangunahing paksa ang kasalukuyang peace and order situation, mga hakbangin kontra kriminalidad (Anti-Criminality Campaign), at ang tamang paggamit ng Emergency Hotline 911.

Tunay ngang ang mga ganitong gawain ay nagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *