BPATs, nakilahok sa talakayan ng PNP Enrile sa Cagayan

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BOAT)sa isinagawang dayalogo ng mga tauhan ng Enrile Police Station sa Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan nito lamang ika-15 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ni PSSg Amie Jane Cabello, Logistic PNCO, PSB ng Enrile Police Station ang nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na ito na patibayin ang koordinasyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Barangay.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga opisyal ng barangay sa mga kampanya kontra kriminalidad, gayundin ang mabilis na pagbabahagi ng impormasyon upang maagapan ang anumang banta sa seguridad ng komunidad.
Samantala, ang naturang dayalogo ay bahagi ng patuloy na programa ng Enrile Police Station upang palakasin ang ugnayan ng ating kapulisan sa bawat mamamayan, at itaguyod ang isang ligtas at maayos na pamayanan sa buong bayan ng Enrile.
Source: Enrile PCR